PAANO NGA BA LUMIGAYA?


Gabi - gabing nangungulila, ginagalaw ang mga dila.

Tinatanong ang sarili, paano nga ba lumigaya?

Sa paglipas ng mga buwan tsaka na lamang nasaksihan,

Ang mga ngiting 'kay tamis na nais ulit makamtan.


Ngunit paano nga ba ngumiti

Kung nababalot na ng pighati,

Ang bawat sulok ng pisngi

na hindi na pwede pang ngumiti.


Sa bawat lungkot na naranasan

may estrangherang napadaan,

Luna ang pangalan may taglay na kagandahan,

Sa kanya ko na nga ba muling mararanasan?


Unang araw pa lamang, akin nang naranasan,

Nagawa akong pangitiin nang hindi ko namamalayan.

Panaginip lang ba 'to o ako'y masaya lamang,

Sa ligaya nyang hatid na hindi ko inaasahan.


Sa iyong pagdating, ako'y napailing

Hindi inaasahang ikaw ay darating.

Ang puso kong malungkot nababalot na ng poot,

Salamat luna at ikaw ay sumipot.


Kapag ako'y malungkot ligaya ang iyong dulot,

Nabago mo ang tanong, paano na nga ba sumimangot.

Nang dumating ka Luna gusto na kitang angkinin pa,

Ayaw na kitang maagaw pa, sapagkat sayo ay maligaya na.


Ang dating sa ngiti lang ay kuntento na,

Ngayon ay napapatawa mo na.

Nabago mo ang lahat luna

Kaya sayo ay kuntento na.


Kuntento na sa iyong pagdating

at natupad na ang hiling,

Na makatulog nang mahimbing

Sapagkat andito kana sa aking piling.


Hindi ko na kailangan gumamit ng matatalinghagang salita,

Sapagkat Luna, sa loob nitong tula

Ikaw ang diwatang may hiwagang matalinghaga

Na tayo lamang ang makauunawa.


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGLISAN

LUNA'T LUHA