LUNA'T LUHA

LUNA'T LUHA ni Marcelo, Jasper A. Ikaw ang liwanag sa gabing madilim. Ganda mo'y ka'y sarap tanawin, Pinapawi mo ang lungkot sa akin. Oh Luna, 'kay sarap mong yakapin. Luna, ikaw lamang ang lunas sa mga luha At sakit na dinaranas. Sa mga oras na ika'y kausap problema'y lumilipas. Hindi sayang ang oras sa liwanag mong pinaranas. Kaya kapag nariyan ka'y wala na 'kong mahihiling, Kundi ang makapiling ka sa gabing taimtim . Taimtim ang gabi pag ika'y kapiling, Subalit Luna, ka'y hirap mong abutin. Sa tuwing naaalala ko na hindi kita maabot, Bigla akong nababalot ng lungkot. Luha sa umaga, at sa pag lubog nito'y ligaya, Ang masilayan ka Luna, Luha ko'y wala na.