Mga Post

PAGLISAN

Imahe
PAGLISAN ni Jasper A. Marcelo Kumusta ka na? Sana ay masaya ka, sa piling niya. Tanda mo pa ba? Ang mga pangako noon. Siguro'y 'di na. Labis ang sakit noong ika'y lumisan, bakit ganito? Ala-ala mo nasa isip na lamang. Masaya ka ba? Sa paglisan mo, nadurog ang puso ko. Paalam sayo.

LUNA'T LUHA

Imahe
LUNA'T LUHA ni Marcelo, Jasper A. Ikaw ang liwanag sa gabing madilim. Ganda mo'y ka'y sarap tanawin, Pinapawi mo ang lungkot sa akin. Oh Luna, 'kay sarap mong yakapin. Luna, ikaw lamang ang lunas sa mga luha  At sakit na dinaranas. Sa mga oras na ika'y kausap problema'y lumilipas. Hindi sayang ang oras sa liwanag mong pinaranas. Kaya kapag nariyan ka'y wala na 'kong mahihiling, Kundi ang makapiling ka sa gabing taimtim . Taimtim ang gabi pag ika'y kapiling, Subalit Luna, ka'y hirap mong abutin. Sa tuwing naaalala ko na hindi kita maabot, Bigla akong nababalot ng lungkot. Luha sa umaga, at sa pag lubog nito'y ligaya, Ang masilayan ka Luna, Luha ko'y wala na.

PAANO NGA BA LUMIGAYA?

Imahe
Gabi - gabing nangungulila, ginagalaw ang mga dila. Tinatanong ang sarili, paano nga ba lumigaya? Sa paglipas ng mga buwan tsaka na lamang nasaksihan, Ang mga ngiting 'kay tamis na nais ulit makamtan. Ngunit paano nga ba ngumiti Kung nababalot na ng pighati, Ang bawat sulok ng pisngi na hindi na pwede pang ngumiti. Sa bawat lungkot na naranasan may estrangherang napadaan, Luna ang pangalan may taglay na kagandahan, Sa kanya ko na nga ba muling mararanasan? Unang araw pa lamang, akin nang naranasan, Nagawa akong pangitiin nang hindi ko namamalayan. Panaginip lang ba 'to o ako'y masaya lamang, Sa ligaya nyang hatid na hindi ko inaasahan. Sa iyong pagdating, ako'y napailing Hindi inaasahang ikaw ay darating. Ang puso kong malungkot nababalot na ng poot, Salamat luna at ikaw ay sumipot. Kapag ako'y malungkot ligaya ang iyong dulot, Nabago mo ang tanong, paano na nga ba sumimangot. Nang dumating ka Luna gusto na kitang angkinin pa, Ayaw na kitang maagaw pa, sapagkat sayo...